January 5, 2023 | Dumalo si Acting Municipal Mayor VM Shierre Ann Portes-Palicpic sa pulong ukol sa Post Disaster Needs Assessment (PDNA)  ng mga Evacuation Centers at mga gusali na pag-aari ng gobyerno na ginanap sa Conference Room ng Admin Office.

Pagkatapos nito, pinangunahan ni VM Palicpic ang Emergency Meeting ng Pagbilao Inter-Agency Task Force for Management of Infectious Diseases kasama ang miyembro at mga Punong Barangay.

Pinag-usapan sa IATF Meeting ang COVID-19 Status ng bayan, Vaccination Rate for Primary and Booster Shots, Inventory of Medicines, PPE’s at testing kits bilang paghahanda kung sakaling magkaroon ng pagtaas ng kaso ng naturang sakit bunsod ng surge sa bansang China.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes