Isinagawa ngayong araw na ito, Hulyo 14, 2024 ang Medical Caravan ni Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Pagbilao.
Ang nasabing Medical Caravan ay nagsimula ng alas singko ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang na tatlong libong mamamayan na nakinabang sa mga serbisyong medical kabilang na ang konsulta sa mata, laboratory and pregnancy consult, pagtutuli, minor surgery, dental at physical examination. Dumalo sa nasabing aktibidad sina Vice Governor Third Alcala, Bokal JJ Aquivido, Retired General Sarona, mga empleyado, doktor at nurses ng Provincial Government at mga mangagawa mula sa Lokal na Pamahalaan.
Sa panayan kay Mayor Gigi Portes, binanggit nito ang lubos na pasasalamat kay Governor Doktora Helen Tan sa pagdadala ng Medical Caravan sa bayan ng Pagbilao. Anya, ang aktibidad na ito na naglalayon ng “health program accessibility” sa lahat ng mamamayan ay isang napakagandang programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa bandang huli, maunlad na bayan ay resulta ng pagkakaroon ng malusog na mamamayan, ang tinuring pa ng butihing alkalde.