Ang Serbisyo Caravan ni Ate Gigi Portes sa Kaunlurang Malicboy ay isa sa mga programa niya sa ilalim ng Tulay Sa Barangay
Naging matagumpay ang isinagawang “Munisipyo sa Barangay” ni Mayor Ate Gigi Portes na tinangkilik ng mga mamamayan ng Barangay Kanlurang Malicboy, Pagbilao Quezon.
Kabilang sa serbisyong ipinagkaloob ng Lokal na pamahalaan ay ang mga sumusunod, Livelihood Skills Training Program-Gupitang Bayan, kung saan libreng gupit sa Senior citizen, ina ng tahanan at mga kabataan, Hr –PESO office program para sa hiring at employment opportunities, Legal advice mula sa opisina ni Atty Noel Pastorfide sa pamamagitan ni Atty. Mark Bacsain, local civil registrar para sa nais magparehistro ng mga birth certificate at iba pang dukumento, libreng bakuna sa mga aso at pusa at vitamins, libreng pamurga sa alagang baka at kalabaw mula naman sa veterinary section ng Municipal Agriculture Office ,MSWDO, at iba pang lokal na departamento ng LGU Pagbilao. at pamunuan ni Kapitan Bernabe Sepillo at lahat ng barangay opisyal ng Kanlurang Malicboy.
Bukod dito nagbigay ng libreng serbisyo ang Philippine Statistic office para sa mga ducuments na kakailanganin ng mga mamamayan, Philhealth, Pag-ibig at libreng meryenda mula sa tanggapan ni Gov. Dra. Helen Tan, libreng palamig(thirst -quenching drink) “Beat the Heat” sa tag init na handog ni Mayor Ate Gigi Portes.
Sinabi ni Municipal Mayor Ate Gigi Portes na sa pamamagitan ng Munisipyo sa Barangay – service caravan, direktang naipapaabot sa grass root level ang basic services ng lokal na gobyerno.
Tinukoy din ni Mayor Portes na priority na magkaroon ng trabaho ang mga residente ng Barangay Kanlurang Malicboy sa ipatatayong solar power plant.