Hinggil sa pagsasaayos ng mga kalsada sa nasasakupan ng bayan ng Pagbilao, katuwang ang DPWH, ipinababatid po sa lahat na magkakaroon ng ROAD RE-BLOCKING sa buong kahabaan ng One-Way- Recto Street simula SEPTEMBER 28, 2024 (SABADO).

Dahil dito, magkakaroon ng Road- Rerouting para sa mga motorista at byahero.

❗️Ang lahat ng LIGHT VEHICLES going to Manila ay maaaring kumanan sa Tambak Bridge – General Luna Street o Brentwood Subdivision

❗️Maaari ring dumaan ang LIGHT VEHICLES sa Bonifacio Street going to Southern Quezon

❗️Ang lahat naman ng HEAVY VEHICLES na papuntang Southern Quezon, at patungong Manila ay kinakailangang dumaan lamang sa Main Road o Maharlika Highway

📢 Ang lahat ay inaasahang sumunod sa batas trapiko tungo sa mas ligtas at maayos na byahe para sa lahat.