The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

ANG PAG-UULAT 2022

March 24, 2022

News

March 24, 2022 | Ang Pag-uulat 2022 ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, matagumpay na idinaos sa Patio ng St. Catherine of Alexandria Parish Church
Inihayag ni Mayor Portes-Palicpic ang kanyang State Of the Municipality Address na dinaluhan ng kanyang pamilya, Sangguniang Bayan Members, opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal at national agencies, kalipunan ng mga kapitan, mga Sanggunian at lingkod ng 27 barangay, mga organized groups, C.S.Os, religious sectors at mga nasa pribadong sektor.
Nagbigay ng ulat si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic tungkol sa mga programa at proyekto na kaniyang naisagawa sa loob ng makabuluhang tatlong taon ng kanyang panunungkulan.
Kabilang dito ang mga programa para sa COVID-19 Response and Operations; Pang-agrikultura; Oportunidad, Kabuhayan at Pamumuhunan; Serbisyong Pangkalusugan; Pang-edukasyon; Pangkalikasan; Kagalingang Panlipunan; Pampublikong Kaligtasan, Kapayapaan at Kaayusan; Turismo; Pagawaing Bayan, Imprastraktura at Pasilidad; Transparency; Citizen's Participation; Devolution Transition Plan; Comprehensive Land Use Plan at Comprehensive Development Plan.
"Higit sa pangalang Portes-Palicpic. Higit sa mga programa, karangalan at mga pagkilala. Mas masarap pong alalahanin ang nakaraan, bilang panahong ang bawat isa ay may pagmamalaking yumayakap sa kanyang sarili bilang PagbilaoWINS. Magsilbi nawa itong ginintuang alaala ng ating pagsulong," ani ni Mayor Portes-Palicpic.
Mapapanood ang buong video sa link na ito: https://fb.watch/bZjuNjyv0s/
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!