The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Cash Assistance for Centenarian

April 22, 2024

News

New release

Provincial Government ng Quezon nagkaloob ng cash gift sa Centenarian na Lola.

Nakatanggap ng karagdagang Cash Gift mula sa Provincial government ng Quezon ang isang senior citizens na centenarian na mula sa Sitio Lagpond Barangay Binahaan, Pagbilao Quezon.

Si Lola Isabel Lagata, 100 taong gulang ay tumangap ng cash assistance mula sa Provincial government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office na nagkakahalaga ng P50,000 pesos at dalawang sakong bigas mula sa pamahalaang lokal ng Pagbilao at kaisa si Mayor Ate gigi portes sa pamamagitan ni EA Michael Cabangon.

Isinilang si Lola Isabel noong December 25, 1923, sa lalawigan ng Sorsogon na ngayon ay may humigit kumulang sa anim na pung apo.

Sa ilalim ng Republic Act No 10868, ang mga senior citizens na umaabot sa 100 taong gulang ay makakatanggap ng 100 libong piso mula sa Pamahalaan.

Iba pang larawan: bit.ly/44a265Y