The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Cultural Mapping

May 31, 2022

News

Unang bahagi ng CULTURAL MAPPING, naisakatuparan na!

May 31, 2022 | Pinangunahan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Administrator/Tourism Officer Engr. Ian T. Palicpic, MPDC/Cultural Officer Jan Luke Patrick Go, NCCA Members ang Turnover Ceremony ng Cultural Mapping Book 1 na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

Ang naturang libro ay mayroong 533 pages at 105 elements na naghahayag ng pagbibigay galang sa kultura, tradisyon at pamana ng lahi ng bayan ng Pagblao. Noon ay plinano sa inisyatibo ni Mayor Palicpic na malikom ang mga ito at ngayon ay nagawa na na magsisibing pagkakakilanlan ng bawat PagbilaoWINS at ng bayang ito.

Naniniwala ang Punong Bayan na sa pamamagitan ng hakbanging ito ay patuloy na mapalakas ang tradisyon ng pagiging isang PagbilaoWIN, ang tradisyon ng pagmamahal sa ating bayan at ang tradisyon ng pagmamahal sa kultura at nakaraaan. Nagpasalamat din si Mayor Shierre Ann sa mga taong nasa likod ng tagumpay na ito.

Sa pamamagitan ng Hired Cultural Mappers, naitala ang mga heritage site na kinabibilangan ng iba't ibang cultural resources, properties at historical sites.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic