The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Toilet Bowl and Cement Distribution

April 23, 2024

News

Toilet Bowl and Cement Distribution

Pinangunahan ni Municipal Mayor Ate Gigi Portes ang pamamahagi ng mga libreng “toilet bowl and cement” sa may pitum pu’t isang indigent families mula sa Ibaba at Ilayang Polo, Pagbilao Quezon.

Ayon kay Mayor Portes isa sa kaniyang “concern” ay upang maitaguyod ang “healthy living” ng mga mamamayan at bilang suporta sa kampanya ng “national government na Zero Defication program”.

Sinabi ni Mayor Portes na napaka importante na bawat Pagbilaowin ay may sarili at malinis na “comfort room” upang maiwasan ang sakit dulot ng kawalan ng inodoro.

Ang naturang proyekto ay naisakatuparan ng LGU - Pagbilao kaagapay ang Municipal Health office at sanitary health inspection office.

Iba pang larawan: bit.ly/4aM2x94