The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

CALABARZON Tourism Excellence Appreciation 2023

January 29, 2024

News

Kinilala ang Pagbilao bilang isa sa mga munisipyo sa Region IV-A para sa kontribusyon nito sa industriya ng turismo sa naganap na CALABARZON Tourism Excellence Appreciation 2023, January 29 sa Twin Lakes Hotel, Laurel, Batangas. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Tourism.

Personal na tinanggap ni Mayor Ate Gigi Portes ang Plaque of Recognition. Nakasama rin niya ang ilang mga Punong Bayan ng Lalawigan ng Quezon, at Lalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas.

Ang karangalang ito ay para sa inyo, tourism stakeholder’s ng Pagbilao!

#AlagangMayorAteGigiPortes #PagbilaoWINS

Iba pang larawan: bit.ly/3UpIMiB