The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

January 03, 2024

News

Ang Pagbilao Municipal Police Station, sa pangunguna ng Acting Chief of Police PMAJ Charlotte Fiesta Zahid, ang host ng Flag Raising Ceremony para sa unang linggo ng Enero.

Inilahad ni PMAJ Zahid ang mga nahuling motorista na may maingay na tambutso sa kanilang motorsiklo. Kinilala rin ng himpilan ang police multipliers, barangay officials, BFP, at BJMP sa kanilang tulong para sa isang ligtas at mapayapang pagsalubong sa 2024.

Sa mga mahahalagang anunsyo ng Acting Municipal Mayor Shierre Ann Portes Palicpic, tinalakay ang paglipat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na dating naboto sa abroad sa Pagbilao hanggang Setyembre ng taong ito, at pagsisiguro ng Nutrition Action Plan para maihanay sa mga hangarin ng AMBISYON 2040.

Ilan rin sa mga tinalakay sa programa ang pagsisimula ng Business One Stop Shop (BOSS) sa Municipal Covered Court, at paalala ng MHRMO sa Job Order employees tungkol sa maagang pagpasa ng kanilang accomplishment report.

#AlagangMayorAteGigiPortes #PagbilaoWINS

Iba pang larawan: https://bit.ly/48fSurI