The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Memorandum of Agreement

January 31, 2024

News

TINGNAN | Isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao at DSWD Field Office IV-A ang isinagawa para sa LISTAHANAN 3 Database ngayong araw, January 31. Lumagda sina Mayor Ate Gigi Portes, Regional Focal Coordinator Ms. Jhohanna Acebes, Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic, Secretary to the Sangguniang Bayan Mr. Jerome De Rama, at Municipal Social Welfare and Development Officer Ms. Emerita Madla.

Ang LISTAHANAN 3 Database ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa naging resulta ng pagsisiyasat ng DSWD sa mga tahanan upang tukuyin kung sino at saan nakatira ang mga kababayan nating hirap sa buhay. Gagamitin ito bilang batayan para sa mga kinakailangang ibabang programa, proyekto, o aktibidad para sa kanila.

Kasama rin sa okasyon ang department heads at mga kinatawan ng mga opisina ng pamahalaang lokal, kasunod ang orientation para sa data sharing.

#AlagangMayorAteGigiPortes #PagbilaoWINS

Iba pang larawan: bit.ly/3HHpvSa