The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Visitation at TEENdig Center

January 08, 2024

News

Personal na binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro Herbosa ang TEENdig Center sa Talipan National High School (TNHS) nitong Lunes, 8 January 2024.

Isa ang TNHS sa apat na paaralan sa Lalawigan ng Quezon na napagkalooban ng proyekto mula sa DOH at Department of Education (DepEd), at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao.

Kasama ni Sec. Herbosa sina DOH CALABARZON Regional Director Dr. Ariel Valencia, Acting Municipal Mayor Shierre Ann Portes Palicpic, at TNHS Principal IV Dr. Luningning Mendoza.

Nilalayon ng TEENdig (Trustworthy-Engaging-Encouraging-Nurturing a place for adolescents, and Dignity) Center na mabigyan ng prayoridad ang kalusugan ng mga kabataan sa lahat ng aspeto sa buhay at sa mga kinakaharap nila ngayon, katulad ng mga tumataas na kaso ng teenage pregnancy, stigma patungkol sa mental health, at pag-iwas sa mga bisyo at mga sakit, lalo na sa HIV o STIs.

Iba pang larawan: https://bit.ly/48JNGuG