The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

"First 1,000 Days"

July 24, 2020

News

Isinagawa ang aktibidad na "Mahalaga ang First 1,000 days" sa Covered Multipurpose Hall, Brgy. Ibaba Polo, Pagbilao, Quezon noong Hulyo 24, 2020 kung saan tinalakay ni Dra. Mara Merluza ang kahalagahan ng tamang nutrisyon kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may temang “Batang Pinoy, Sana Tall, Iwas Stunting, Sama all, Iwas all din sa Covid 19”.

Binigyang diin at importansya rin ni Dra. Merluza ang Benefits of Exclusive Breastfeeding, Go, Glow & Grow Foods, Infant’s Oral Health Care, Proper Oral Health Care, Proper Ways of Toothbrushing at ang Benefits ng pagiging P1K beneficiaries.

Ang mga kalahok sa nasabing gawain ay mga infants, pregnant women at lactating mothers ng Brgy. Ibaba Polo.

Ante-Natal Check up, Giving Tetanus Diptheria Vaccine, Ferrous Sulfate Tabs, Calcium Carbonate Capsules and Child Immunization, Oral Examination, Oral Health Education, Instruction on Infant’s Oral Health Care, Advised on Exclusive Breastfeeding, Education & Counselling, P1K Distribution of seeds to Pregnant Mothers and Registration of P1K beneficiaries naman ang mga serbisyo na naibigay ng ating Municipal Health Office para sa mga mamamayan.

Ito ay naisakatuparan dahil hangad at isa sa mga prayoridad ng ating Ina Ng Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang programang nakatutok para sa pangangalaga ng kalusugan ng ating mga kababayan sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap bunsod Ng CoViD-19.

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!

We WIN as ONE!

We are ONE!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here