The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

2021 Nationwide Disaster Resilience Month Kick-off Ceremony

July 01, 2021

News

Local Government Unit of Pagbilao, nakiisa sa 2021 Nationwide Disaster Resilience Month Kick-off Ceremony

Pagbilao, Quezon | July 1, 2021 - Isinagawa ngayong unang araw sa buwan ng Hulyo ang Kick-Off Ceremony kaugnay ng National Disaster Resilience Month (NDRM) na ginanap sa By-Pass Road. Layunin nito na palakasin ang kahandaan at katatagan ng mga PagbilaoWINS laban sa hamon ng mga kalamidad.

Dinaluhan ang naturang gawain nina LDRRMO III Delfin Magana, Executive Asssitant Carlo Magno Ayaton, PMAJ Milo Tabernilla kasama ang ilan sa mga kapulisan, kinatawan mula sa BFP-Pagbilao, mga masisipag na Punong Barangay, Barangay Officials, QPDRRMO Quezon, Philippine Army Reservist, Kbnet Quezon, at miyembro ng iba't ibang mga Civil Society Organizations (CSOs).

Ang tema ngayong taon: "Tamang Pamamahala't Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya'y Kalasag ng Bayan" kung saan kitang-kita ang mahalagang kontribusyon ng Disaster/Rescue Vehicles na naipamahagi ng LGU sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa 27 barangay sa buong bayan ng Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/3thdsm6r