The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

3-day Vaccination Drive

November 29, 2021

News

BAYANIHAN BAKUNAHAN: 3-day National Vaccination Days, sinimulan ngayong araw sa bayan ng Pagbilao

Bilang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pamumuno ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa panawagan ng nasyonal na gobyerno, pinasimulan ang tatlong araw na malawakang pagbabakuna sa ating mga kababayang PagbilaoWINS na hindi pa nakatatanggap ng kanilang 1st dose COVID-19 Vaccines nitong Nobyembre 29, 2021.

Nagtalaga si Municipal Health Officer, Dr. Riki J. Tolentino ng tatlong vaccination sites para sa naturang aktibidad. Ito ay ang Municipal Covered Court para sa A1, A2, A3, A4, A5 at iba pang residente na may edad 18 taong gulang pataas; Pagbilao National High School para sa kategoryang Pediatric A3 at iba pang nabibilang dito; at ang Pagbilao East Elementary School para naman sa mga kababayan natin mula sa Barangay Ilaya. at Ibaba. Polo.

Magpapatuloy ang Vaccination Drive na ito, bukas - November 30, 2021 at sa Disyembre 1, 2021. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook Page ng RHU Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3G37L0F