The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

ALONA Partylist Sustainable Livelihood Program (SLP) Payout

July 07, 2021

News

Animnapung (60) kababayan natin ang tumanggap ngayong araw ng tig-sasampung libong piso para sa kanilang pangkabuhayan sa pamamagitan ng ALONA Partylist na kinakatawan ni Congw. Anna Suarez na ginanap sa Municipal Covered Court.

 

Ipinahayag ni Ma'am Melissa Encomienda ang personal na mensahe bilang kinatawan ni Congw. Anna Suarez para sa mga beneficiaries ng Sustainable Livelihood Program na ito.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at MSWDO Emerita Madla para sa magandang oportunidad na ito para sa PagbilaoWINS na malaking tulong sa kanila lalo't higit ngayong panahon ng pandemya.

Tunay na isa itong biyaya para sa bayan ng mananalo at sa mga benepisyaryo nito.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

 

Tingnan ang iba pang larawan : https://tinyurl.com/2k8y25h2