The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Anti-Rabies Vaccination Program

March 15, 2024

News

Pinangunahan ni Pagbilao Municipal Mayor Ate Gigi Portes ang pagsisimula ng malawakang anti-rabies vaccination program ngayong araw na ito, Marso 15, 2024 sa municipal covered Court, Pagbilao Quezon.

Sa mensahe ni Mayor Ate Gigi Portes, sinabi nito na nakamamatay ang rabies o kagat ng aso at pusa, kaya't hinikayat nito ang publiko na suporthan at palakasin ang kampanya laban sa rabies sa pamamagitan ng mass anti - rabies vaccination program sa bawat barangay, upang maisalba ang buhay ng mga pagbilawin.

Sa ganitong kampanya ayon kay Mayor Ate Gigi Portes, may posibilidad na makamtan natin ang zero rabies case sa Pagbilao.

Samantala inihayag naman Dra.Hazel Grace Cesar Veterinary lll ,sa unang quarter ng 2024 less than 10 ang kaso ng rabies ang naitala.

Target ng lokal na pamahalaan na 300 alagang pusa at aso ang mabigyan ng libreng bakuna.

Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng libreng sabon, shampoo sa mga responsible pet owners na nagmula pa sa mga barangay ng sta Catalina,Tambak,del Carmen at Daungan.

Kaagapay ng lokal na pamahalaan ang municipal agriculture office,ibat ibang kumpanya na nagtataguyod para sa kapakanan ng mga alagang aso at pusa sa Pagbilao Quezon.

Iba pang larawan: bit.ly/3PsYiqk