The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Barangay Assembly | Therma Luzon, Inc.

November 03, 2022

News

Nakipagpulong ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes sa mga mangingisda ng San Bartolome kung saan pinag-usapan ang mga alternatibong hanapbuhay o maaaring pagkakitaan para sa mga kalalakihan gaya ng pagtatanim sa bakuran, pagkakarpentero at pagwewelding.

Samantala, nagtungo ang Punong Bayan sa Barangay Bantigue at dumalo sa Barangay Assembly kung saan inilahad niya ang kahalagahan ng nagawa ng mga Barangay Officials sa kanilang panunungkulan gayundin ang importansya ng boses ng mamamayan upang makabuo ng magagandang proyekto at programa na angkop sa kanilang barangay

Nakiisa rin si Mayor Ate Gigi Portes sa pagbibigay ng financial assistance katuwang ang Therma Luzon, Inc. para sa mga deserving na Senior High School students ng PGINHS, TNHS, PNHS, SMNHS at QSHS.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3EXC8Yv