The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Bike Distribution

August 06, 2021

News

"....para po ang tulong ay pangmatagalan at sa araw-araw na bawat pagpedal ninyo sa bisektang inyong sinasakyan ay magsilbing paalala na dapat ipagpatuloy ang buhay anumang hamon ang dumating."

-       Mayor SHIERRE ANN PORTES-PALICPIC

Distribution of Bicycles August 05, 2021

Matagumpay na namang isinagawa ang programang Pedal ng Pag-asa, Padyak ng Pagkakaisa; Pamamahagi ng mga 100 Bisikleta para sa PagbilaoWINS na ginanap sa Pagbilao East Elementary School.

Sa mensahe ni Mayor Palicpic, ibinida niya na ang bayan ng Pagbilao sa buong lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang bayan na nakatugon sa ganitong programa.

Binigyan din ng espesyal na pagkilala ng Punong Bayan ang mga tao at kompanya na nasa likod ng tagumpay ng gawaing ito, ang Team Energy Foundation sa pangunguna ni Sir Greggy Rumualdez at ang bumubuo sa nabanggit na pribadong kompanya.

Ang mga kababayan natin na nabibilang sa mga esensyal na manggagawa ang tumanggap kahapon ng naturang kagamitan na magagamit sa araw-araw nilang hanapbuhay. Sila ang 3rd Batch ng mga beneficiaries ng Pedal ng Pag-asa, Padyak ng Pagkakaisa Program.

Dumalo rin sa aktibidad sina Sir Carlo Calvario, Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Councilor Manny Luna, Councilor Dita Ayaton, Councilor Aldrien Calabia, MSWDO Emerita Madla at Ate Gigi Portes.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/2U14cpe