The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Bike Distribution

June 24, 2022

News

June 24, 2022 | Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic muling pinangunahan ang BICYCLE DISTRIBUTION na may titulong PEDAL NG PAG-ASA, PADYAK NG PAGKAKAISA.

Ngayong hapon ng Biyernes ay muling namahagi ang Punong Bayan ng mga Bisikleta na makatutulong sa pang-araw-araw na hanapbuhay at pag-aaral ng mga PagbilaoWINS.

Kasama sa programang idinaos sa Municipal Covered Court sina Municipal Administrator & Disiplina Mins Focal Point Person - Engr. Ian Palicpic at MSWDO Emerita Madla.

Binigyang-diin ni Mayor Palicpic sa kanyang pananalita ang layunin ng programa na may kinalaman sa Environmental Friendliness,  Physical Fitness, Mental Health Well-Being, Culture of Discipline  at Livelihood.

Taos-puso ang pasasalamat ng mga PagbilaoWINS na nabahaginan ng mga bisikleta ng Pamahalaang Lokal ng Pagbilao na pinondohan mula sa ER1-94.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3NBF0LE