The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Binahaan Integrated School

January 25, 2021

News

Appreciation Post para sa Pagbilao DepEd District II Salamat po sa inyong munting award with a crown

JANUARY 25, 2021 | SPED Building, 2 Storey Building (6 Classrooms), Perimeter Fence, Evacuation Center, Hand Washing Area, Pagtatalaga ng mga Teacher Aides & Learning Development Mobilizers, at marami pang Educational Materials & Equipment, pinasinayaan ng LGU-Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic para sa mga guro at mag-aaral ng Pagbilao DepEd District II.

Tinungo ng Lokal na Pamahalaan ang Binahaan Integrated School upang isagawa ang Turn Over Ceremony ng mga nabanggit na gusali at kagamitan kung saan tinatayang mga nasa walumpung mga guro at opisyal ng barangay ang nakiisa sa nabanggit na gawain.

Ani ni Mayor Palicpic, pagtutulungan pa ng Pamahaalang Lokal kung ano pa ang maaring ibigay ngunit dagdag niya na hindi ito maisasakatuparan kung kung hindi magsasama-sama at makikipagtungan ang mga mamamayan.

Bilang lubos na pasasalamat binigyan ng pagkilala si Mayor Palicpic bilang Best Mayor Ever na ipinagkaloob ng mga guro.

Matatandaang malaking hamon sa pamahaalaan at sa mga pamilya kung paano pagagaanin ang mga pagsubok na dala ng New Normal Learning System ngunit PagbilaoWINS Kayang Kaya Basta't Sama-sama.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Para sa iba pang larawan: Tingnan