The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

BRAND NEW DUMP TRUCK

March 20, 2024

News

Marso 20, 2024

TATLONG BARANGAY SA PAGBILAO, TUMANGGAP NG BRAND NEW DUMP TRUCK

Personal na ipinamahagi ni Pagbilao Municipal Mayor Ate Gigi Portes ang tatlong bagong Dump Truck sa tatlong barangay dito sa Pagbilao Quezon.

Ayon kay Mayor Ate Gigi Portes, gagamitin ang naturang mga dump truck hindi lamang sa paghahakot ng basura kundi sa iba pang programang pangkalinisan ng ating barangay.

Kabilang sa benepisaryo ng dump truck ang mga mamamayan ng Barangay Bukal, Pinagbayanan at Talipan.

Sa ilalim ng Republic Act 9003 o Ecological Solid waste Management act of 2000, tungkulin ng publiko lalo na sa barangay na paigtingin ang paghahakot ng basura upang maiwasan ang anumang uri ng sakit sa ating kapaligiran.

Sa kasalukuyan may 12 dump truck na ang aktibong humahakot sa ating mga basura.

Kasamang namahagi ng butihing Punong Bayan si Konsehala Cathy Martinez Garcia at si Konsehal Diony Dapla.

Iba pang larawan: bit.ly/3xpFoe8