The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks

May 04, 2021

News

55 Magsasakang PagbilaoWINS, tumanggap ng subsidiya mula sa PCA

MAY 4, 2021 | Pinangunahan ng Philippine Coconut Authority ang pamamahagi ng Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks (CFSMFF) sa bayan ng Pagbilao na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P 3,000.00 Cash Assistance at Food Assistance na nagkakahalaga ng P 2,000.00 na binubuo ng 25 kilong sako ng bigas, dressed chicken at mga itlog.

Binigyan din sila ng unique reference code at ng E-Voucher na may QR Code upang ma-encash nila ito sa accredited pay-out center kung saan kailangan nilang magpakita ng proof of identity para sa balidasyon sa araw ng pagclaim.

Buo naman ang suporta ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang si Municipal Agriculturist Leonora Melendrez sa mga gawaing tulad nito na naglalayong makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng COVID-19 Pandemic.

KaYang Kaya Basta’t Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/3fsvp753