The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ceremonial Launching of Phil ID System Philsys Registration

July 08, 2021

News

ID Natin 'to! | Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at PSA Field Supervisor Gemma Losloso, pinangunahan ang isinagawang ''Ceremonial Launching'' ng Philippine Identification System Philsys Registration sa Pagbilao National High School (PNHS), July 8, 2021

Ang gawain pong ito ay inisyatibo ng nasyonal na gobyerno na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng pagkakakilanlang ID ang bawat indibidwal na Pilipino sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Ma'am Losloso, ang Step 1 Registration ay ang house-to-house registration kung saan kinuha ang demographic information ng isang indibidwal. Samantala, ang Step 2 Registration naman ay ang pagkuha ng biometrics, fingerprint, iris at larawan na pawang makikita sa National ID Card. Sa darating na panahon, ang lahat ng Pilipino na nakapagregister na ay maaari magamit ito bilang Proof of Identity sa mga pribado at pampublikong transaksyon. Dagdag pa niya, prayoridad na mairehistro ng PSA ay ang mga residente mula sa mga Barangay ng Pinagbayanan, Mayhay at Mapagong na sumailalim na sa Step 1 Registration.

Pormal na ipinahayon ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang nilalaman ng kasunduan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao at ng Philippine Statistics Authority para sa Philippine Identification System Philsys Registration. Ibinida rin ng Mayor Palicpic na ang LGU ay hindi lamang basta katuwang dahil nakita ang pangangailangan sa gawaing ito, naghire ang Punong Bayan ng dalawang Marshall na magsisiguro na ang mga registrants ay may distansya, nakaface mask at sumusunod sa ipinatutupad na protocols.

Ang naturang gawain ay dinaluhan din nina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Konsehal Manny Luna, Konsehal Aldrien Calabia, PB Lorna Lusterio ng Barangay Mapagong, PB Renan Salles ng Barangay Pinagbayanan at Principal II Elmer C. Ravina ng PNHS na nagbigay ng pahintulot na magamit ang nabanggit na paaraalan para sa Registration Process ng Phil ID.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/4n39w5ms