The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Chikiting Ligtas 2021

February 03, 2021

News

LIBRE, LIGTAS AT EPEKTIBO - Malawakang Pagbabakuna Kontra Tigdas, Polio at Rubella, sinimulan na sa mga Barangay sa bayan ng Pagbilao

February 2, 2021 | Ngayong buwan ng FEB-ibig, opisyal nang sinimulan ang operasyon ng 'CHIKITING LIGTAS 2021'. Saklaw nito ang pagbabakuna ng Measles-Rubella Vaccine para sa 9-59 buwang mga bata, at pagpapapatak ng Oral Polio Vaccine sa lahat ng edad 0-59 buwan o apat na taong gulang.

Ang vaccination program na ito ay inilunsad ng Department of Health na buo namang sinusuportahan ng LGU-Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang ang Pambayang Doktor, Dr. Riki Tolentino.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa Municipal Health Office o sa inyong mga Barangay Health Centers para sa mga panuntunan na ipinatutupad ng Chikiting Ligtas.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #ChikitingLigtas

Narito ang iba pang larawan: Tingnan