The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Cooking Nanay - Bigo / Añato

September 07, 2021

News

"COOKING NANAY: NUTRISYON MO, IPAPANALO KO!" PROGRAM para sa mga KALIPI Members ng Barangay Añato at Bigo nitong ika-07 ng Setyembre, 2021 na ginanap sa Añato Covered Court.

Sa pinagsama-samang inisyatibo nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic bilang KALIPI President, ng Gender And Development Office at ng Municipal Nutrition Action Office ay matagumpay na ring idinaos ang nabanggit na bagong lokal na programa ang "Cooking Nanay: Nutrisyon Mo, Ipapanalo Ko!".

Layunin po ng gawaing ito na madagdagan ang kaalaman ng mga kababaihan pagdating sa paghahanda, pagluluto at paghahain ng masusustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat Pamilyang PagbilaoWINS at itaguyod ang isang malusog na pamayanan at palaganapin ang wastong kaalaman sa tamang nutrisyon.

Dumalo dito sina Municipal Nutrition Action Officer Dra Mara Merluza, Ma'am Jane Luce, KALIPI Working President Ate Angelica Gigi Portes, PB Ramil Cabile, PB Glenda Luna at ang mga miyembro ng KALIPI mula sa dalawang naturang barangay.

Kayang Kaya basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3tB5qVG