The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

DILG Mock Road Clearing Validation

February 03, 2021

News

FEBRUARY 3, 2021 | DILG Quezon Validation Team, nagsagawa ng Mock Validation on Road Clearing sa bayan ng Pagbilao

Tinungo ng Provincial Validation Team na sina Atty. Neil Alfon S. Aranilla, Engr. Vilma B. de Torres, Mr. Gerardo C. Gabin, Ms. Maria Teresita G. Alpuerto at Ms. Sheena Mistee M Alegre ang tatlong napiling mga kalsada ang A. Bonifacio Street, Quezon Street at Glorioso Street upang isagawa ang Road Clearing Operations - Mock Validation.

Kasama sina MLGOO Ma'am Noemi Pelaez, Engr Ryam Tolentino at ilang mga Barangay Captains at miyembro ng Road Clearing Task Force ay nilibot nila ang mga nabanggit na daanan upang i-assess ang pagtalima ng Local Government Unit sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Road Clearing.

Sa Exiconference, ang ilan sa mga aytems na hinanapan ng patunay ng Validation Team ay ang mga sumusunod:


  •          Tricycle Route Plans upang matiyak na may mga alternate routes para sa mga 'tricycles' na ipinagbabawal na mag-operate sa mga national highways sa buong bansa;
  •          Full Implementation ng pag-aalis ng mga Road and Sidewalk Obstructions, Illegal Structures at Unauthorized Parked Vehicles;
  •          Pagsasagawa ng Road Inventories;
  •          Pagbuo at Pagpapatupad ng mga Displacement Plan at Rehabilitasyon;
  •          Pagpapanatili ng mga naclear na mga kalsada;
  •          Grievance Mechanism at iba pa.

Samantala, ang Assessment ng pagsunod ng LGU-Pagbilao ukol sa operasyon ng Road Clearing ay nakaschedule sa February 16, 2021 - March 2, 2021.


#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Narito ang iba pang larawan: Tingnan