INSENTIBO
PARA SA 800 TEAM BUHAY FRONTLINERS, SINIMULAN NANG IPAMIGAY NG LGU
Ngayong araw, pinangunahan ni Mayor Shierre
Ann Portes-Palicpic ang 1st Batch ng pamamahagi ng insentibo para sa lahat ng
Frontliners sa 27 Barangay ng Pagbilao. Ang pagkakaloob ng 7,500 Pesos sa bawat
Barangay Frontliners ay bilang pagkilala at pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan
sa hindi mapapantayang serbisyo at pagmamahal sa bayan habang hinaharap ang
panganib na dulot ng CoViD-19 .
Limang (5) Barangay ang unang nakatanggap ng
insentibo. Samantalang ang natitirang labing-pitong (17) barangay ay makatatanggap
bukas.
Ang Bayan ng Pagbilao ay sumasaludo po sa
inyo! Mabuhay ang mga Barangay Frontliners! Mabuhay ang Team Buhay!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
For more photos Click Here