
December 21, 2022 | Pinangunahan ng masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes ang pamamahagi ng honorarium sa mahigit anim na daang (642) mga gurong Pagbilaowins na ginanap sa Pagbilao National High School.
Bukod pa rito, ipinagkaloob din sa mga guro ang hard drive mula sa Lokal na Pamahalaan at Flash Drive naman para sa mga mag-aaral.
Samantala, tumanggap si Mayor Ate Gigi ng 2022 Gawad Kaagapay Award mula sa Department of Education - Quezon para sa natatangi nitong kontribusyon at pagsuporta sa mga gawaing pang-edukasyon.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3Gs7UxL