The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Modem & Pocket Wifi

July 15, 2021

News

JULY 15, 2021 | Mayor Shierre Ann Portes Palicpic at Pagbilao Energy Corporation (PEC), pinangunahan ang pamamahagi ng mga 'Modem' at 'Pocket WiFi' sa ilalim ng "KONEKducation Program" para sa mga mag-aaral na PagbilaoWINS

Nabanggit ni Head External Affairs, Mr. Froilan Gregory Romualdez III na inaaasahan nila na ang mga ipinagkaloob na Pocket Wifi Units ay lubos na magagamit ng mga mag-aaral at makatutulong sa kanilang pag-aaral. Dagdag pa niya na sila'y laging nakasuporta sa mga ideya at proyekto ni Mayor Palicpic at nagpapasalamat na nabigyan ng pagkakataon na makatulong sa bayan ng Pagbilao.

Sa mensahe ni Mayor Shierre Ann, isa itong pagpapatunay na walang sino man ang kakayanin ang pandemyang ito ng mag-isa kung kaya't ang komprehensibong programang ito ay higit na makakatulong sa ating mga kabataan upang maabot nila ang kanilang mga pangarap. Ito rin ay bahagi pagbangon at pagpapatatag ng bawat pamilyang PagbilaoWINS na kaya nating malampasan ang lahat ng pagsubok basta't magkakasama.

Ibinalita din ng Punong bayan na bahagi ng programa para sa sektor ng edukasyon ang pagpapalakas ng pangangatawang pangkalusugan ng mga mag-aaral na Junior at Senior High School sa pamamagitan naman ng Libreng Anti-Flu Vaccines Program.

Dinaluhan din nina Councilor Dita Ayaton, Councilor Manny Luna, Ate Gigi Portes, Sir Catalino Porta, mga guro, kasamahan sa Pagbilao Energy Corporation.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/yu6emjdv