The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of School Supplies, Equipments - DepEd Pagbilao District I

January 27, 2021

News

#DaBesKa Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, personal na tinanggap ang DepEd Quezon Gawad Kaagapay Award 2020

JANUARY 27, 2021 | Ipinagkaloob ngayong umaga ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Palicpic ang mga Printing Supplies, Materials and Equipment para sa DepEd Pagbilao I na ginanap sa Pagbilao Central Elementary School.

Isinaad ni Admin Ian sa kanyang mensahe na sa pamamagitan ng mga ganitong programa ay hangad ng pamahalaan at ng mga guro ang tagumpay ng mga kabataang PagbilaoWINS, hangad din na matupad ang kanilang mga pangarap at adhikain sa buhay.

Dagdag ni Mayor Palicpic, ang pinakamalaking hamon sa sektor ng edukasyon ay ang kinakaharap na pandemya kung kaya dapat may kahandaan ang mga paaralan sa bayan ng Pagbilao sa panahong maaari nang magkita-kita, dapat matatag na at may pakialam para sa kinabukasan.

Kaugnay nito, isinagawa rin ang Libreng Anti-Pneumonia Vaccination sa mga masisipag na guro na kaagapay ng Local Government Unit sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon sa bayan ng Pagbilao.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Para sa iba pang larawan: Tingnan