The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Sound Systems and TV Sets to Pagbilao 2 District.

February 04, 2020

News

Ipinamahagi rin ang mga television sets, sound systems at videoke sa mga Grade 1 ng Pagbilao District 2 na ginanap noong Pebrero 4, 2020 sa Polo South Elementary School

Personal na dinaluhan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic kasama si Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic ang pamimigay ng mga nasabing makabagong kagamitan na magagamit ng mga guro ng Grade 1 upang makapagturo ng maayos, makabago at epektibo sa lahat ng mga mag-aaral na nasa unang baitang. Mayroon na rin magagamit na sound system sa mga announcements at mga programa ang mga paaralang mapalad na nakatanggap nito.

Si Mayor Palicpic at Admin Ian ay naglalayong makapaghandog ng serbisyo at maging instrumento sa mga para sa isang magandang kinabukasan ng mga batang PagbilaoWINS.

Tunay lamang na isa sa mga prayoridad ni Mayor Palicpic ang sektor ng Edukasyon sa bayan ng Pagbilao.