The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Drug-Cleared Certification | Plaque of Commendation

March 18, 2024

News

Marso 18, 2024

APAT NA BARANGAY SA PAGBILAO, QUEZON, TUMANGGAP NG DRUG-CLEARED CERTIFICATION MULA SA PDEA

Pagbilao, Quezon -- Apat na barangay sa Munisipalidad ng Pagbilao ang nakatanggap ng BARANGAY DRUG-CLEARED CERTIFICATION mula sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kaugnay nito, mismong si Pagbilao Municipal Mayor Ate Gigi Portes ang nanguna sa pagkakaloob ng barangay drug-cleared certification sa mga kapitan ng barangay ng Tambak, Ibabang Polo, Silangang Malicboy, at Barangay Bigo. Hangad ni Mayor Ate Gigi Portes na dahil sa aktibong education campaign at partisipasyon ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan katuwang ang PDEA at PNP para tutukan ang usapin ng droga, marami pang barangay sa ating bayan ang posibleng makatanggap ng naturang certification.

Si Investigation Agent lll Romeo Asuncion Jr. ang kasalukuyang provincial officer ng Philippine Drug Enforcement Agency. Samantala, tumanggap din ng Plaque of Commendation ang Pagbilao Police Station dahil mula 2019 hanggang 2024 walang naitalang meritorious complaint ang pamunuan ng PNP sa tanggapan ng People's Law Enforcement Board (PLEB).

Iba pang larawan: bit.ly/49cHwTK