The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Ceremony | Zoom Teleconference | Tourism Month Celebration

September 27, 2022

News

Matapos ang Flag Ceremony kahapon, agad ginampanan ng masipag nating Punong Bayan ang mahabang lista ng kanyang mga gagawin sa araw ng Martes.

Nakipagpulong ang ating Mayor sa mga magulang ng mga Kindergarten students ng Pagbilao West Elementary School, at inilahad niya ang mga programang pang-edukasyon. Naglaan din siya ng oras bilang panauhin at Guest Storyteller sa isinagawang Project KSP: BLAZER V2.0 Storytelling Program ng nasabing paaralan.

Pagkaraan, nagbigay si Ate Gigi ng mensahe ng pagtanggap sa ginanap na Sectoral Orientation and Consultation of National Anti-Poverty Commission via Zoom Teleconference.

Naging panauhin din at nagbigay ng pananalita si Ate Gigi sa 187 na Senior Citizens na ginanap sa ating Covered Court para sa pamamahagi ng tulong pinansya,medical, hospitalization, pagpapalibing at iba pang tulong. Nagbahagi din ang ating alkalde ng kanyang mga balakin para sa mga kababaihan upang maisagawa ang pagpapakilala ng mga produktong Pagbilawin.

Sa kaugnay na gawain, bilang pakikiisa ay dumalo ang ating Punong Bayan sa Tourism Month Celebration na ginanap sa Lucena City. Isa ang bayan ng Pagbilao sa samlung bayan na nabigyan ng pagkilala sa mga bayang malakas ang turismo sa lalawigan ng Quezon.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3gfONfJ