The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

May 10, 2021

News

Isinagawa ngayong araw ang Regular Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Municipal Engineering Office, May 10, 2021.

Pinakilala ng Human Resource Management Office ang mga bagong kawani (Job Order) ng Pamahalaang Lokal at malugod ding binati ang mga manggagawang nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa buwan ng Mayo.

Binalita naman ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang mga programa para sa mga kababayan nating magsasaka gaya ng Rice Resiliency Project (RRP) at Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture - RF04A. Gayundin ang assessment na isinagawa katuwang ang BFAR para sa proposed mariculture parks.

Ipinapaabot naman ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang pasasalamat sa nasyonal na gobyerno at mga ahensya tulad ng Philippine Coconut Authority. Dagdag dito, nagpasalamat din siya sa iba't ibang sektor na nagsasagawa ng Community Pantry sa Pagbilao.

Saad ng Punong Bayan, may DILG Memo "Support to the Establishment and Maintenance of Community Pantries" kung saan nakapaloob ang mga guidelines na sumusunod:

  •          Walang permit na kailangang bayaran
  •          Kailangang makipag-ugnayan sa LGu o sa barangay para matiyak ang pagsunod nito sa Health and Safety Protocols
  •          Walang anumang larawan, karatula o pangalan ng politician ang nakalagay rito.
  •          Bawal din ang hindi mga pangunahing pangangailangan

Paalala rin ni Mayor Palicpic na mag-isolate kung may nararanasang anumang sintomas ng COVID-19.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Narito ang ibang larawan: https://tinyurl.com/ur8k8mm4