The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

June 28, 2021

News

JUNE 28, 2021 | Regular Flag Raising Ceremony, pinangunahan ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Riki J. Tolentino

Ipinakilala ni Public Health Nurse Evelyn Isaguirre ang ilan pang mga kawani na bahagi Rural Health Unit mula sa Nurse Deployment Program ng Department Of Health (DOH). Samantala, inilahad naman ni Dr. Francis Gerard Daya ang mga naisakatuparan at naisagawa ng RHU Pagbilao nitong nakaraang taong 2020.

Ginawaran ng Plake ng Pagkilala si Municipal Human Resource Management Officer Isabelita E. Lucila para sa kanyang nalalapit na pagreretiro sa katapusan ng buwang ito. Kinoronahan, sinabitan ng sash at binigyan din ng bulaklak na gaya ng isang reyna si Ma'am Bileth upang maipaabot ang pasasalamat at pagbibigay halaga sa mahigit tatlumpong anim (36) na taong pagseserbisyo publiko niya para sa bayan ng Pagbilao at sa mamamayan nito.

Kasama sa mga nagbigay ng mensahe ng pagbati kay HRMO Lucila ay sina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, mga department heads, ilang malalapit na kaibigan at mga staff ng HR Office.

Lubos na pasasalamat ang ipinahayag ni HRMO Isabelita E. Lucila sa bawat isa na naging parte ng kanyang paglilingkuran. Ibinahagi rin niya ang mga di malilimutang karanasan at mga naging mahalagang ambag katuwang ang iba pang kawani ng Pamahalaang Lokal.

Ayon kay Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, isang magandangg panimula na mayroong tatlumput pitong bangkerong PagbilaoWINS na nakapagparehistro ng kanilang mga bangka para sa gawaing pangturismo sa isinagawang "Mobile Registration" nitong nakaraang linggo.

Nagbahagi naman si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ng kanilang mga naging karanasan nang sila'y nagpositibo sa COVID-19 sa kabila ng kanilang pagiging maingat. Dahil dito, paalala pa rin niya ang ibayong pag-iingat ng lahat ng ating mga kababayan upang hindi na maranasan ang anumang sakit.

Dagdag pa dito, ipinabatid ng Punong Bayan ang patuloy na pagtuturok ng Anti-Flu Vaccines sa ating mga kababayan, pag-iissue ng Citation Tickets sa mga violators,

Ipinahayag din ni Mayor Palicpic ang pakikiisa ng LGU sa pakikidalamhati sa pamilyang Aquino sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Pagpupugay sa kanyang mga nagawa para sa bayan. Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/4532z77w