The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Helping One Another

March 27, 2020

News

Halos 180 katao na na-stranded sa ECQ Checkpoint sa Brgy. Talipan ang inalalayan ng Pagbilao CoViD-19 Task Force. Dumating sila sa Pagbilao nitong nakaraang huwebes matapos tangkaing maglakad mula NCR hanggang Bicol. Ngunit agaran naman silang napigilan, isinailalim sa Mandatory Check-up at nabigyan ng inumin at pagkain. Matapos ito ay kaagad nakipag-ugnayan ang Pagbilao CoViD-19 Task Force sa Pamahalaang Panlalawigan upang sila ay agarang maiuwi. Kahapon ay naihatid na sila sa mga Borders ng Quezon Province at Bicol Region.