The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Installation of Internet | Edible Landscaping

December 02, 2022

News

Noong nakaraang linggo, nagbigay-pugay sa Tanggapan ng Punong Ehekutibo ang mga kawani ng Asian Vision kung saan iniulat nila ang matagumpay na installation ng 35 internet connection sa mga pampublikong paaralan ng Pagbilao District I.

Personal naman na tinungo ng ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ang Barangay Ikirin upang alamin ang katatayuan at kondisyon ng mga alagang baka.

Dagdag dito, binisita ni Mayor Ate Gigi ang mga kababaihang mananahi at kinumusta kung paano palalawigin ang kanilang mga produktong ginagawa gaya ng mga bag at basahan.

Ininspeksyon din ng Punong Bayan ang Edible Lanscaping o mga halamanan at backyard gardening sa Barangay Pinagbayanan at Castillo na pangunahing hakbang ng administrasyon sa sinasabing food security.

Pagkaraan, binisita ni Ate Gigi ang kalsada tulay sa Sitio Malawak na Parang na magkokonekta sa ByPass Road.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3HWHYLE