The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Libreng Anti-Flu Vaccine

August 13, 2020

News

Bilang pangangalaga sa kalusugan ng mga naglilingkod na kawani ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, isinagawa ang Libreng Anti-Flu Vaccine Para sa PagbilaoWINS nitong Agosto 13, 2020 sa tapat ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan.

 

Inunang turukan ng nasabing bakuna ang mga Lingkod Bayaning mula sa Tanggapan ng Punong Bayan, Tanggapan ng Pambayang Tagapamahala, Tanggapan ng Pambayang Kalusugan, Tanggapan ng Pambayang ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, Tanggapan ng Pambayang para sa Pagtugon ng Sakuna at Tanggapan ng Pambayang Pangkalahatang Serbisyo na silang lantad at maraming taong nakakasalamuha.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #BuwanngWika