The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Libreng WiFi

March 26, 2024

News

Libreng WiFi sa Pagbilao Quezon.

Nilagdaan ni Municipal Mayor Ate Gigi Portes at ng kumpanyang IDO SOLUTIONs ang isang Memorandum of Agreement para maitayo ang project Free Wifi sa Pagbilao Quezon.

Ayon kay Ginoong Gary Libby, president and Chief Executive Officer ng kumpanya, isa sa pangunahing layunin nito ay makaaccess ang mga Pagbilaowin sa libreng WiFi connection,kung saan malaki ang maitutulong nito sa mga estudyante para sa on-line education and communications, access sa government services, sa pagtatayo ng mga negosyo at maraming iba pa.

Ang libreng WiFi ay basic necessity na ng taong bayan. Kaugnay nito hangad ni Mayor Gigi Portes na bukod sa libreng WiFi sa Park, Palengke at ibang pang pang publikong Lugar, makikinabang din sa proyektong ito ang lahat ng eakuwelahan sa Pagbilao Quezon.

Ang proyektong ito ay pinagtulungang isakatuparan ni Konsehal Manny Luna at ng Butihing Mayor ng Pagbilao Ate Gigi Portes.

Iba pang larawan: bit.ly/4aweeAA