
Sa pagpapatuloy ng serbisyo publiko, ipinapatuloy ng masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes ang paglilingkod sa mga Pagbilawin.
Pinangunahan niya kahapon ang Local School Board Meeting para sa pag-aprub ng annual badget ng school board fund. Kasamang nakilahok sa nasabing pulong sina Konsehal Dita Ayaton. District Supervisor Pagbilao 1 Catalino Porta, Municipal Treasurer Corazon Encenarez, Municipal Budget Officer Maristel Merjudio at ALS Coordinator Gener Catapangan.
Nakipagpulong din si Ate Gigi sa Local Investment Committee Meeting at pinag-usapan ang mga pamumuhunan sa hinaharap na panahon at masusing pag-aaral sa pag-apruba ng mga aplikasyon ng gasolina.
Pagkaraan, nakipagpulong naman si Ate Gigi sa Municipal Agriculturist Leobora Melendrez ukol sa posibilidad ng produksyon mga native na manok.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes