
OH, MY LOLA MAYOR!
Ginampanan ni Lola Leony Merle Lavado ang pagiging Mayor of the Day sa ilalim ng Programang Mayor of the Day ng masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes.
Sa loob ng isang araw ay naranasan ni Lola Mayor Leony ang mga gawain ng isang Punong Bayan. "Nakakapagod pala pero sobrang nakakagaan sa puso ang pagtulong at pakikisalamuha sa ating mga kababayan" masayang saad ni Lola Mayor Leony.
Kagawad ng Brgy. Ilayang Bagumbungan ang 60 taong gulang na si Lola Mayor Leony at may-ari ng Balay Sedi Restaurant.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3F0dsiH