The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Mayor's Duty

September 26, 2022

News

Matapos matiyak na walang malubhang pinsalang tinamo ang Pagbilao sa bagyong Karding, nagpatawag kahapon ang ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes para sa bubuuing video materials tungkol sa pagbubuntis, benepisyo ng mga buntis sa Philhealth at iba pang serbisyong medikal sa mga barangay.

Binanggit ni Mayor Ate Gigi sa mga kawani ng MDRRMO ang  pagdadagdag o pagtatakda muli ng mga relief at pag-audit ng mga ito para mas madali ang muling paghiling ng mga suplay sakaling muling mangailangan. Binanggit din ang paglilipat ng mga kagamitan patungo sa motorpool upang lumuwag ang stockroom para sa mas mas maayos at maluwag na relief operation.

Iminungkahi naman ni Dr. Gerard Daya ang training ng IV insertion sa mga Komadrona para higit silang maging epektibo sa kanilang gawain. Sinang-ayunan ng alkalde ang mungkaho ni Dr. Daya.

Pagkaraan, nakipagpulong naman si Ate Gigi kay G. CARLO Calvario ng Team Energy tungkol sa mga programa ng planta na ma kinalaman sa lokal na pamahalaan. Ilan sa kanilang  pinag-usapan ay ang mga programang Kababaihan Product Contest, Kalabaw para sa mga Magsasaka, Pagtatanim para sa mga Barangay, Starbook E-Hub, ang pagbisita ng DOST National Director at Proyekto para sa Kabuhayan ng mga Mangingisda.

Tinapos ni Ate Gigi ang araw sa pakikipagpulong kay Ms. Jane Luce ng MGAD para sa mga programang pangbarangay at iba pang ahensya na magiging kabahagi ng mga programa.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3fmGVbR