The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

MOA Signing

May 20, 2021

News

MAY 20, 2021 | DSWD-CaLaBaRZon Regional Director Marcelo Nicomedes J. Castillo personal na tumungo sa Bayan ng Pagbilao para sa MOA Signing ng Yakap-Bayan Program kasama si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

Sa isang simpleng programa isinagawa nina Mayor Palicpic at Director Castillo ang opisyal na paglagda sa Memorandum of Agreement ng Yakap Bayan Program bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at mas pinalalim na programang tutugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga tinaguriang Persons Who Use Drugs (PWUDs).

Pinasalamatan ni Director Castillo ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council dahil sa kanilang dedikasyon na maging katuwang ng National Government sa adbokasiyang nabanggit. Samantala, nilagdaan din ng Punong Bayan ang Executive Order No. 24 Series 2021 na muling nag-oorganisa ng MADAC Composition. Ipinarating din niya sa kanyang mensahe na ang YAKAP-BAYAN Program ay nauna nang ibinilang sa Executive-Legislative Agenda na binalangkas sa ilalim ng kanyang administrasyon. Aniya, mananatiling ang mga PagbilaoWINS ay magkakasamang haharap sa hamong sugpuin ang ilegal na droga at sa pagkalinga sa mga biktima nito.

Kasama ring dumalo sa naturang programa ang mga Local Official ng DILG, PNP, DepEd, Municipal Trial Court, MGAD, MHO, DSWD atbp.

#PagbilaoWINS

#SerbisyongPalicpic

#DisiplinaMuna

Tingnan ang iba pang larawan https://tinyurl.com/54kdy8ju