The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Mobilization of Tourism Frontliner Training and Seminar | Civil Society Organizations | Persons Deprived of Liberty

October 04, 2022

News

Dumalo kahapon at nagbigay ng pananalita sa Pagbilao Central Elementary School ang napakasipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes. Binanggit niya doon ang kanyang kagalakan dahil sa mataas na bilang ng mga bakunadong mamamayan ng Pagbilao laban sa COVID19.

Pagkaraan, nakipagpulong si Ate Gigi sa mga kawani ng Slaughterhouse at ipinaalala ang mga gawain ukol sa maayos na pamamahala sa tanggapan.

Binisita din ni Ate Gigi ang mga kababayang bangkero na sumasailalim sa programabg Mobilization of Tourism Frontliner Training and Seminar sa Silangang Nayon ng Barangay Bantigue. Ipinaalala ng alkalde ang pagmintina ng mga tourist destinations at kahandaan nila sakaling magkaroon ng mga emergency situations.

Pinangunahan din ni Ate Gigi ang pulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Managemeng Council (MDRRMO) kasama ang iba't ibang ahensya ng pamahalaang lokal at mga kasapi ng Civil Society Organizations.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang tamang mga preparasyon sa darating na Undas, paglalagay ng perya para sa Kapistahan ng Mahal na Patrona Sta Catalina, pagbibigay ng tulong sa mga bayang nasalanta ng bagyong Karding at pagbibigay tulong sa mga kababayang kabilang sa Persons Deprived of Liberty.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3N4syWt