The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Municipal Education Assistance Program

March 03, 2021

News

MARCH 3, 2021 | Pamamahagi ng Cash Assistance para sa mga Iskolar ng Bayan, pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic

Nitong hapon ng Miyerkules, ipinagkaloob ng Local Government Unit sa pangunguna ni #DaBesKa Mayor Palicpic ang tulong pinansyal sa mga PagbilaoWINS na Senior High at College Students na nabibilang sa Iskolar ng Bayan.

Ang gawaing ito ay isinagawa sa ilalim ng Municipal Education Assistance Program (MEAP) na buong sinusuportahan nina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Kgg. Dita Ayaton, Kgg. Manny Luna at Kgg. Aldrien Calabia na ginanap sa Municipal Covered Court.

Ito ay ang 2nd Batch ng mga Scholars na tumanggap ng nasabing assistance, matatandaan na idinaos ang unang distribution noong Nobyembre 17, 2020.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga Iskolar ng Bayan sa Pamahalaang Lokal at kay Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic para sa educational grant na kanilang tinanggap.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://cutt.ly/yzqM2tp