The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas

August 08, 2022

News

Pinangunahan ng masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes at ng kanyang tanggapan ang regular na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas at pagbibigay ng kanyang Ulat sa Bayan.

Kinumusta ni Ate Gigi ang pakikipag-usap ng staff ng Municipal Agriculture Office sa mga magsasaka tungkol sa mga hakbangin upang mas mapadami ang ani ng mga gulay. Sa pag-uusap, napagkasunduan na gumawa ng nursery sa bawat barangay at ito ang magbibigay ng mga pananim sa mga mamamayan. Aalamin kung anong gulay ang pangangailangan ng mga restaurants na silang bibili ng mga aanihing gulay.

Gayundin, inalam ng alkalde ang katatayuan ng mga paalagang hayop sa ilalim ng Animal Dispersal Program upang mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga ito at makapagsagawa ng mga naaangkop na programa na may kaugnayan dito.

Tinitingnan din ang posibleng partnership sa bagong bukas na botika, ang Carlos Super Drug para sa "Bakuna sa botika" Program ng bumisita ito sa kanyang tanggapan.

Nanumpa naman sa harap ni Mayor Ate Gigi Portes ang mga bagong halal na pamunuan ng Pagbilao Municipal Employees Association (PAMEA), Neil Anthony Orig bilang Pangulo at Julie Ann Edrad bilang Pangalawang Pangulo. Sila ay eksklusibong tagapag-ayos na unit sa mga rank-and-file na empleyado ng lokal na pamahalaan.

Nagbigay ng mensahe si Ate Gigi sa mga samahan na nais maging accredited civil society organizations. Sa kanyang mensahe, "Malaki ang papel na inyong ginagampanan sa lipunan dahil kayo ang nagiging tulay sa pagitan ng ordinaryong mamamayan at ng pamahalaan".

Pagkaraan, isinagawa at dumalo ang butihing Punong bayan sa pulong ng Municipal Cooperative Development Council upang aprubahan ang LDIP, AIP at Budget para sa susunod na taon ng naturang konseho.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3Qj1gMz