The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

December 15, 2021

News

Masayang idinaos ang General Assembly ng mahigit isang libo at tatlong daang kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng bayan ng Pagbilao nitong Disyembre 15, 2021 sa Barangay Ikirin.

Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang aktibidad kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Manny Luna at Konsehal Aldrien Calabia; at si MSWDO Emerita Madla.

Naimbitahan din si Gov. Danilo E. Suarez na labis ang suporta sa programa ito.

Tumanggap din ang mga 4P's Members na dumalo ng Pamaskong Handog mula sa Lokal na Pamahalaaan ng Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3sOrJIX