Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Oral Health Month
ay isinagawa ng Pamahalaang Lokal ang On the Spot Poster Making Contest at
Slogan Making Contest ng ilang mga mag-aaral na Grade 8 hanggang Grade 12 ng
pampribado at pampublikong paaralan noong Pebrero 17, 2020 sa Conference Room
ng Administrator's Office. Pinangunahan ni Dra. Mariam Merluza, Municipal
Dentist ang nasabing gawain at suportado naman nina Mayor Shierre Ann
Portes-Palicpic at Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic. Ang mga
gawang-sining ng mga lumahok na estudaay orihinal na ginawa at naglalarawan sa
tema ngayong taon na "Tamang Edukasyon, Impormasyonat Serbisyo para sa
NGITIng toDOH Tungo sa Kalusugang Pangkalahatan."