The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Sama-samang Pagtulong sa PagbilaoWINS (4th Wave) - Brgy. Del Carmen

May 10, 2020

News

Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang pamamahagi ng ikaapat na ayuda ng Pamahalaang Lokal sa Barangay Del Carmen ngayon araw. Mayo 10, 2020. Ang 4th wave na ayudang ito ay 15 kilos na masarap na bigas na may kasamang ilang 'grocery items' para sa 20,000 tahanang PagbilaoWINS. Nagbigay din ng ilang paalala si Mayor Palicpic ukol sa mga kongkretong hakbangin na ipatutupad kung sakaling malagay sa GCQ ang bayan ng Pagbilao simula Matyo 16, 2020.

Muli, pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng Ilaw ng Tahanang PagbilaoWINS at sa Ina ng Bayan na may pabulaklak pa, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.